Nitong nakaraang ika-28 ng Hulyo sa taong kasalukuyan ay muling nag-ulat ang ating pangulo tungkol sa kanyang nagawa sa loob ng isang taon. Ito ay ‘yung tinatawag nating SONA na taon-taon ay hinahanay at ipinagmamalaki ng administrasyon ang serbisyong kanilang ibinigay sa taumbayan. Kasama na rito ang mga balak nilang magawa sa taong kasalukuyan. Dito nakikita at sinusuri ng mga tao kung ang ating pamahalaan ay tumutupad sa kanilang tungkulin. Sa aking pakikinig ay maraming bagay ang tila lumalaro sa aking isip. Ang posisyon ng isang pangulo ay masarap pangarapin, ngunit masakit din sa damdamin. Kahit na may ginagawa kang tama ay hindi ka rin mauubusan ng mga bumabatikos sa iyo. Iyan ang demokrasya at sa panahon ngayon ay marami nang paraan para iparating ang iyong ‘di pagsanayon. Sa social media tulad ng facebook, you tube at twitter na simpleng uploading ay marami na ang makakabasa o manonood nito. Hindi tulad noong unang panahon ng rehimen ni dating pangulong Marcos na kung saan pahayagan, telebisyon at radio lang ang mga paraan. At dahil sa nagdeklara ng martial law ay nasupil ang mga reklamo at ikinukulong ang mga militanteng mga tao. Ang bansa natin simula pa noon ay marami nang suliranin na dinaraanan. Tayo ay suki na ng bagyo, at minsan sa el nino o tagtuyot. Nandito na rin ang sobrang taas ng tingin sa ating mga politiko na kung hindi artista, mga negosyante, mga rebelde o anak ng mga politiko noong unang panahon na siyang nagmana sa pangalan kung kaya sila ay nahalal. Siguro mabibilang […]
↧