Nag-umpisa ang sunog nung minsan na may pumiyok na isang kasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Doon nag-ugat ang lahat at maraming personalidad ang lumabas. Mga kongresman, senador, mayor at mga ahensya ng gobyerno. Talagang parang piyesta ang nangyari dahil lumabas ang matagal na baho ng isang sistema na puno ng korupsyon. Marami ang nakisawsaw sa isyu at mas marami ang naghugas ng kamay. Talagang marami pa rin sa atin ang hipokrito at mapabalatkayo. Mga kilalang tao ay nagmuwang-muwangan at parang mga inosente at hindi alam na sila ay nagnanakaw na pala. Sinasabi nila na sila rin ay nalinlang ng isang negosyante na nagpapanggap na tutoo ang mga NGO niya, isang negosyanteng nakatapos lamang ng elementarya at naniwala ang mga magigiting at matatalinong mga tao sa lipunan. May kasabihan nga tayo noon na “ it takes two to tango” o parehong alam ang kanilang ginagawa. Dahil kung ikaw ay kayang lokohin ng tao ay nangangahulugan na hindi ka karapat dapat na maluklok sa iyong kinalalagyan dahil ang tiwala ng taumbayan ay maglilingkod ka ng tapat at tama. Natatandaan ko yung asawa ng isang senador na isa na rin kongresista na tama lang na kumuha sa kaban ng bayan para may maibigay sila sa mga taong lumalapit at kung ito ay pipigilin ay ‘wag na silang pumunta sa bahay nila para humingi ng tulong. Ganoon, mga kababayan ko, ang mentalidad nila na para sa kanila ‘yung pera na nakalaan para sa pagpapaunlad ng kanilang mga lugar. Dahil sa ingay ng isang whistleblower ay nakita ang […]
↧