Ang senado ay isang kagalang-galang na institusyon na kung saan sila ay masasabi nating katulong sa paghugis ng kinabukasan ng Pilipinas. Sila ay binoto ng mga Pilipino na umaasa na sila ang mag-aahon sa ating bansa. Pero ano itong nababalitaan at napapanood natin sa telebisyon at nababasa sa mga pahayagan na ang mga ating kagalang galang na senador ay siyang sangkot sa mga pagnanakaw sa kaban ng bayan? Oo, hindi pa natin sila puwedeng husgahan dahil may mga proseso pa na dapat sundin. May kasabihan nga na walang tao na guilty hangga’t hindi napapatunayan sa korte. At doon papasok ang kakayahan natin na pumili ng mga karapat-dapat na “magigiting” na tao. Maraming maghuhugas ng kamay at sasabihin na hindi sila kasama sa mga taong bumoto sa mga iyon. May komedyante, action star, anak ng mga kilalang tao o politiko, dating mga military na lumaban sa gobyerno , at mga trapo na ayaw bumaba sa puwesto, pati mga negosyante, meron din. Ngunit nasaan na talaga ‘yung masasabi nating tunay na senador na may malasakit sa Pilipinas? Sa tingin ko ay walang ganoon klaseng tao. Lahat iyan ay may sariling interest at pangalawa lamang ang bayan. Ngayon, ‘yung mga nahuli ang kamay sa kaban ng bayan (may mga susunod pa) ay nagsisiaklasan at nagsasabing sila ay mga inosente. May magnanakaw ba na umamin? Siyempre, piyesta na naman ng mga abogado de kampanilya niyang na pilit palalabasin ang kanilang galing, na walang mali ang kanilang mga kliyente. Magiging isang malaking circus na naman ang isang haligi ng ating […]
↧