Sa loob ng isang taon ko na pamamalagi sa ibang bansa ay wala nang sasaya pa kung hindi ang umuwi ng Pilipinas upang makapiling ang iyong mga mahal sa buhay. At sino ba naman ang ayaw balikan ang Pilipinas na kung saan ay mas komportable ka at magagawa mo ang gusto mo na hindi rin pwedeng gawin doon sa iyong pinanggalingan. Yun nga lang ay maraming bagay ka na parang ikabibigla mo sa iyong pagtigil dito. Nang ako ay may isang linggo na rin na namalagi sa aking bahay ay nagprisinta na ako ang magbabayad ng aming telepono/ internet bundle na overdue na (kaya kagabi ay naputulan na kami). Inagahan ko na umalis ng bahay para mauna akong magbabayad sa payment center na nasa isang malaking mall ang opisina. Mga trenta minuto pa para magbukas ang mall kung kaya pumila na ako sa may pintuan nito. Nagmamasid din ako sa mga taong naghihintay doon at napansin ko na ang mga senior citizen ay naguumpukan at may mga dalang card nila. Nakakatuwang pagmasdan dahil naisip ko na magiging ganoon din tayo na maguumpukan at nagbibiruan pa at walang pila at diretso sa unahan ng pintuan. Nang magbukas na ay pinaunlakan ko sila at masayang pumasok doon. Ako naman ay nagmamadaling umakyat sa third floor ng gusali para makauna sa pagbukas ng tindahan. Ako nga ang nauna pero laking gulat ko ng tanungin ako ng gwardiya kung anong pakay ko. Sabi ko ay magbabayad ako . Ang nangyari ay itinuro niya ako sa isang malaking atm machine […]
↧