Taong 2010 – walang mag-aakalang ang isang senador na tahimik lamang sa paggawa ng batas ay tatakbo at mahihirang na maging presidente ng ating republika. Siya ay anak ng dalawang kagalang-galang na tao na kilala sa buong mundo dahil sa pagmamahal nila sa bayan. Ang ama na inalay ang buhay at ang ina na lumaban sa isang pangulong nakaupo sa kanyang trono ng mahigit 20 taon. Sa mga nakaraang mga pangulo ay tila lalong naghihirap ang ating bansa kung kaya humanap o lumabas ang pangalan ni Benigno Simeon Aquino Jr. at nagwagi sa halalan. Biglang nagkaroon ng pag-asa ang taumbayan sa bansa at ang tiwala sa kanya ay umabot ng 80% na siya ang sosolusyon sa problema ng bayan. Unang mga taon ay para siyang nangangapa at nakikipagbiruan pa sa media, paninigarilyo at pagdate niya ng mga babae ang laging laman ng pahayagan. Batikos sa kanya ay laging puyat at walang pakiaalam sa nangyayari at hindi hands on president si Pnoy. Ngunit sa kanya lamang makikita ang pagiging palaban na president, inaalis lahat ng mga balakid para makamtam ang tunay na reporma. Alam na niya ang mga pasikot-sikot sa politika at kung sino ang mga umaaruga sa mga taong umubos ng kaban ng bayan. Una niyang nilinis ang Sandiganbayan at ang Pinuno ng Korte SUprema sa pamamagitan ng pagbanggit nito sa kanyang mga talumpati hanggang maimpeach ang Pinuno at magresign ang nasa sandigan bayan. Iniluklok doon ang isang bagong Chief justice na siyang hindi miyembro ng Boys club sa korte at isang palaban na chief […]
↧