Quantcast
Channel: da_professor – Definitely Filipino™
Viewing all articles
Browse latest Browse all 49

SONA AT ANG ATING BANSA : Part 4 – IBAGSAK ANG GOBYERNO!

$
0
0
IBAGSAK ANG GOBYERNO! PAKANA ITO NG AQUINO-US IMPERYALISMO! Ganito ang mga karaniwang sigaw at nakalagay sa mga tarpaulin ng mga raliyista sa atin. Marami nang presidenteng umupo at hindi nawawala ang mga militante at aktibista sa bawat gobyerno. Ito ang mga sinasabing uring manggagawa at mga anak pawis o makabayan. Kapag may SONA, kapag may mga isyu, kapag may kaguluhan ay asahan ninyong lalabas ang mga iyan. Magsusuot ng pulang tshirt o headband at nakataas ang kamay sa pagsisigaw na ang bansa natin ay hawak sa leeg ng Imperyalismo at diktaturang gobyerno. Karamihan ditto na sumasanib ay ang mga taong hindi kataasan sa lipunan at madaling mabuyo dahil na rin sa kahirapan. Yung tinatawag na indoctrination na kung saan ay isang konseptong gusto nilang palawigin at palabasin kahit baluktot ang isang isyu na siyang magpapaalab ng damdamin ng isang tao na sadlak sa hirap. Marami na rin na nabibiktima sa kalakarang ito, isang tao na nawalan ng lupa o tirahan. Mga manggagawang nawalan ng trabaho. Mga estudyanteng nag-aaral sa pamantasan na bayad ng gobyerno. Mga taong hindi buo ang pusong makabayan at nauudyok lang ng kanilang mga damdamin. Ito yung mga klase ng tao na kahit ano o sino ang nakaupo ay nagrereklamo lang lagi at sumisigaw ng hustisya. Pero kapag ating susuriin, itong mga uring manggagawa natin ang siyang humahalal ng kung sino ang dapat umupo at manilbihan sa bayan, pero karamihan ay nasisilaw sa mga binibigay na pera at 2 kilos bigas, sardinas at noodles para sila ay iboto. Hindi makukuha sa sigaw […]

Viewing all articles
Browse latest Browse all 49

Trending Articles